Wednesday, November 9, 2011

Poetika at Politika ni Rolando Tolentino

i intend to share not only my views,thoughts and opinion, but also the works, opinion of other poets, writers whom other people have not encountered or read....allow me to share the book i have started reading recently, POETIKA AT POLITIKA, by Rolando Tolentino...i am convinced that literature, poetry can make a difference in our country..it would help shape the minds of our leaders as well as pressure and influence them....


ITO ANG SINULAT NI ROLANDO TOLENTINO sa introduksyon ng kanyang libro:


Ang hinaharap ay dinadanas na sa kasalukuyan kahit pa ang kasalukuyan ay nakalugmok na sa mga pinagdaanan.Ang bisyon sa hinaharap, ang pagtatangkang butintingin, himayin at pagbuhusan na ito ng panahon at pagpupursigi, ay produktibong indikasyon na ang manunulat, lao na ang kasalukuyang henerasyon, ay tumataya na sa hugis, laman at substansya ng yugtong darating.Na ang akedemisasyon ng disiplinang malikhaing pagsulat ay nagbibigay-kahilingan sa manunulat ng paglilinaw--ng kanilang panlipunang relasyon sa hinaharap.


Hirap ang manunulat sa talakayin--lalo na kung ipasusulat--ang kanyang poetika.Pilosopikal ang kahilingan, sa lebel ng abstraksyon ng idea.Isipin na lamang:ang tula at akdang pampanitikan ay isang konkretasyon ng ideal, at kung gayon, ang poetika ay isang konkretasyon ng abstraksyon ng konkretasyon ng ideal.Paano susulatin ang abstraksyon at materialisasyon ng ideal?


At dagdag pa rito, ang pagsasalin ng poetika sa politikang tinitindigan ng manunulat;kung paano siyang hinuhubog ng politika sa kanyang sinusulat, at nakakapagsiwalat ng nakakaagapay, umaayon at tumutinggaling politika;at kung ano ang kasabayang proyekto ng itinitindig na politika sa kanyang pinagtitindigang poetika.


- Rolando Tolentino





No comments:

Post a Comment